Ang Alegorya ng Yungib

 

Bahagi ng akdang binasa

Pinapaksa sa bahagi na napili sa akdang binasa

Kaugnayan ng larawan sa napiling bahagi

 

Ikaapat na talata sa huli.

 

Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.  Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito.

 

 

Para saakin, ang pinapaksa sa bahagi na aking napili ay patungkol sa edukasyon. Pinahihiwatig nito na kahit sino o anuman tayo ay may karapatan tayong matuto at palawakin ang ating intelektuwal na mundo.

 

Sa larawan ay makikita ang isang anino na hugis tao bilang representasyon nito. Pinapakita nito na ang isang tao ay may sariling kakayahan upang magisip, gawin ang mga dapat na tingin niya ay tama, at magkaroon ng pag-uugali base sa kaniyang intelektuwal na pagiisip. Gaya ng paksa sa aking napiling bahagi ng akda, pinakikita nito na tayo ay may karapatan na mag-isip sa sarili at hayaang gawin ang gusto upang palawakin ang pag-iisip. Sa larawan, makikiota na ang tao ay pinaiikutan ng mga salitang edukasyon, kapaligirian, pamilya, politika, globalisasyon, at iba pa. Ito ay ang mga bagay na maari pa nating matutunan at maari ring makaapekto sa kung ano ang dumadaloy sa ating isipan. At sa huling bilog ay ang salitang kinasanayan o kinagisnan, kung saan dito tayo magsisimula at nasasaatin kung atin pa itong palalawakin.




Comments

Popular posts from this blog

Neologismo: Mga bagong salita, pormal o di-pormal, may magandang dulot kaya?