Kabataan | Hanggat may bukas, ang kabataan ay mananatiling pag-asa ng bayan.

Paksa: Kabataan

Pamagat: Kabataan, pag-asa parin ba ng bayan?
Tesis na Pangungusap: Hanggat may bukas, ang kabataan ay mananatiling pag-asa ng bayan.

A.     Sistemang iba sa nakasanayan.

a.       Pagsasalita sa nakatatanda.

b.       Pagtahak sa naiibang landas. 

B.      Hindi katumbas ng ating buhay ang ating mga nagawang pagkakamali. 

a.       Bisyo

b.       Pagbubuntis nang maaga.

c.       Pagkabagsak sa eskwela

d.       Paggawa ng krimen.

C.      Hanggat may pangarap may pag-asa. 
 

Ayon sa opniyon ng ilan sa mga nakatatanda, ang makabagong henerasyon ng kabataan ay walang patutunguhan at ang mga iniisip ay puro pansarili lamang. Ngunit ako, bilang parte ng henerasyong ito, ako’y nananatiling naniniwala na hanggat kami’y may bukas, may pag-asa ang ating lupang kinatatayuan. 

Maraming taon ang lumipas, maraming pagbabago ang naganap, ngunit tila ang ilan sa nakatatanda ay naiwan sa panahong luma. Naiintindihan naming mga kabataan na mayroon silang nakasanayan, ngunit ang ilan sa kanilang mga sistema ay sadiyang hadlang. Noon, ang pagsagot sa nakatatanda ay mabigat na pagkakamali kaya’t labis na pinagbabawal. Ang kaugaliang ito ay kanilang dala-dala sa kasalukuyang henerasyong kaya’t madaling nahuhusgahan ang mga kabataan na walang patutunguhan at tila hindi na nga matuturing na pag-asa ng ating bayan. Masasabi ko na oo sa ilang punto tama ito, ngunit kung alam namin na ang kanilang ginagawa ay mali ay karapatan namin ang sumagot nang may respeto sa kanilang walang batayan na argumento. Ang pag pili rin ng naiibang landas sa nakararami ay para sakanila ay mali, ngunit hindi ba mas mabibigyang kahulugan ang ating bansa kung ang naninirahan dito ay ang mga taong tinupad at pinagpatuloy kung ano ang nasakanilang puso? 

Maaring sa bawat landas na aming pipiliing tahakin ay kami ay magkamali, ngunit hindi ito ang magbibigay depenisyon sa kung ano pa ang kaya naming gawin sa mga susunod naming pagbangon. Marami sa kabataan ngayon ang nalululong sa iba’t ibang bisyo, ngunit kung tutuusin bakit nga ba kami napupunta sa landas na ganito. Ilan sa mga kababaihan din ang nagkaka-anak nang maaga, at bumabasgsak sa eskwela dahil hindi nabigyan ng sapat na karunungan o talino dahil mas piniling isipin na magkaroon ng laman ang tiyan kaisa ang mag-aral. Ang ilan pa nga ay nakagagawa ng krimen dahil sa kahirapan. Ang mga maling desisyong ito ay hindi namin ginusto, ang buhay na sa ami’y binigay ang siyang nagtulak na tahakin ang landas na ito. Ngunit hanggat kami ay may bukas, ipaglalaban namin ang sinabi ng ating pambansang bayani, na kaming kabataan ang pag-asa ng ating bayan.  

Husgaahan man kami ng matatalas na mga dila at mata, magkamali man kami nang paulit-ulit ay patuloy kaming babangayon, hangga’t nagliliyab ang aming mga pangarap ay mananatiling kaming mga kabataan– ang susunod na lider at mga prepesyonal, ang siya paring pag-asa ng bayan.   

Comments

Popular posts from this blog

Neologismo: Mga bagong salita, pormal o di-pormal, may magandang dulot kaya?