Tekstong Argumentatibo Patungkol sa Isyu ng Bansang Ukraine at Russia

Tekstong Argumentatibo Patungkol sa Isyu ng Bansang Ukraine at Russia

    Kailan lang ay umabot sa ating bansa ang balita patungkol sa isyu ng bansang Ukraine at Russia. Samu’t saring kwento at teyora ang naglipana, ngunit kung titignan sa mababaw na pagsasaliksik at gamit ang moral na dignidad, masasabi ko na ang pagkilos ng Russia na nagresulta sa masalimuot na kaguluhan ay hindi katanggap-tanggap. 

    Batay sa balitang isinulat ni Paul Kirby ng BBC News, ang rason sa pag-atake ng Russia ay ang patuloy na nakukuhang banta galing sa bansang Ukraine. Ayon sa presidente ng bansang Russia, ang kaniyang pag-atake sa mga paliparan at kampong militar ng

Ukraine ay hindi masasabing “pananakop”, ito ay kaniyang ginawa lamang upang protektahan ang kaniyang mamamayan. Kung ito ang tunay na dahilan ng kaniyang pagatake ay sadiyang ako ay tutol sa kaniyang mga desisyon. Libo-libo ang sinasabing nasaktan, kung ang kaniyang depinisyon nang pagprotekta sa kaniyang mamayan ay ang karahasan at pananakit ng kapwa, nasaan ang kaniyang moral? Ayon naman sa ulat ni Elizabeth Wilmshurts, isang kilalang tagapayo sa bansang United Kingdom at isa sa nagtaguyod ng International Criminal Court, ang sinasabing bantang karahasan galing sa bansang Ukraine o ng samahang NATO ni Putin ay walang katotohanan at ang kaniyang pag-atake ay walang ligal na katwiran. Sa aking pananaliksik sinasabi sa Internasyonal na Batas, Artikolo 51: “Nothing in the present charter shall impair the inherent right of individual or collective self-defense if an armed attack occurs”. Sa pananaw ni Putin, maaring siya ang tama at ang batas ay kaniyang kasandal, ngunit pinapakita na tila wala namang matibay na ebidensiya na mayroong pagatakeng naganap galing sa bansang

Ukraine. 

    Anuman ang rason na nagmitsa sa kanilang away, buong mundo ang maapektuhan. Unang-una, pagtaas ng presyo ng krudo o langis at ang epekto nito sa suplay ng enerhiya. Ayon kay Holland, Scott, at kanyang mga kasmahan, ang gulo ng bansang Ukraine at Russia ay makaapekto sa pagtaas ng presyo at magmumula sa produktong langis at may posibilidad na pagangat ng inflation rate sa apat na pursyento bago matapos ang taon. Ayon din kay Amy Myers, isang propesor sa pananaliksik, ang Russia ay maykakayahang makapag labas ng 5 hangang 6 na milyong dram ng langis kada araw. Ang ganitong epekto sa langis ay panimula lamang, alam nating lahat na ang halos lahat ng produkto sa mundo ay ibinabyahe at ginagmitan ng langis, mayroong malaking ugnay na epekto ito sa iba’t iabng produkto ng bawat bansa. Dito papasok ang mundo ng mga inhinyero, ito ay trabaho para saamin upang tukuyin paano hindi masyadong maapektuhan ang aming bansa. Isa sa aming pinaghahandang trabaho ay ang tinatawag na “Supply Chain Managemnt”, ayon sa diksyunaryo ito ay ang pangangasiwa sa daloy ng iba’t ibang produkto. Isa itong mahalagang trabahong gagampanan ng mga pangindustriyang inhinyero kapag nagpatuloy pa ang gulong ito upang makuha ang pinakamababang gastos ngunit napapanatili ang paglago ng isang kumpanya. 

     Ang desisyon ng Russia na daanin sa karahasan ang hindi pagkakaitnindihan na ito ay hindi lamang sila ang apektado. Maaring ang kaniyang nasasapuso ay ang iligtas ang kaniyang mamayan, ngunit hindi niya nailigtas ang kinabukasan ng mga taong binawian ng buhay. Mga alegasyong walang kalinawan na nagresulta sa marahas na hakbang, buhay ng nakararami ang alay?       

Comments

Popular posts from this blog

Neologismo: Mga bagong salita, pormal o di-pormal, may magandang dulot kaya?