Posts

Showing posts from April, 2022

Linyar Na Pagpo-program (Linear Programming)

Image
 

Neologismo: Mga bagong salita, pormal o di-pormal, may magandang dulot kaya?

Neologismo: Mga bagong salita, pormal o di-pormal, may magandang dulot kaya? Ano ang Neologismo? Batay sa artikulong “Ano ang mga Neologism” na isinulat ni Roldan (2020), ang Neologismo ay isang ekspresyon at mga salita na ginagamit sa panahon ngayon kahit wala noon. Ito ay ginagamit sa pangangailangang mai-angkop ang mga salitang ginagamit sa reyalidad ng lipunan. Ayon pa kay Roldan, ito ay karaniwang proseso sa lahat ng mga wika. Ito ay maaring magsilbi bilang kayaman ng iba’t ibang wika o hindi kaya ay ang kabaligtaran. Ayon sa isang hindi kilalang manunulat ng isang artikulong may pamagat na “Balbal ay Sagabal”, ang mga neologismo o tinatawag din na slang words ay sikat at kadalasang ginagamit hindi lamang ng mga kabataan kundi mga edukado, midya, at kahit ng mga taong may sikat na personalidad. Ngunit bakit nga ba ito ginagamit ng nakararami? Batay sa isang artikulong “Mga Neologismo at ang kanilang papel sa wika” mula sa IK-PTZ (2021), ang ating buhay ay patuloy na nagbabago....

Tekstong Argumentatibo Patungkol sa Isyu ng Bansang Ukraine at Russia

Tekstong Argumentatibo Patungkol sa Isyu ng Bansang Ukraine at Russia      Kailan lang ay umabot sa ating bansa ang balita patungkol sa isyu ng bansang  Ukraine at Russia. Samu’t saring kwento at teyora ang naglipana, ngunit kung titignan sa mababaw na pagsasaliksik at gamit ang moral na dignidad, masasabi ko na ang pagkilos ng Russia na nagresulta sa masalimuot na kaguluhan ay hindi katanggap-tanggap.       Batay sa balitang isinulat ni Paul Kirby ng BBC News, ang rason sa pag-atake ng Russia ay ang patuloy na nakukuhang banta galing sa bansang Ukraine. Ayon sa presidente ng bansang Russia, ang kaniyang pag-atake sa mga paliparan at kampong militar ng Ukraine ay hindi masasabing “pananakop”, ito ay kaniyang ginawa lamang upang protektahan ang kaniyang mamamayan. Kung ito ang tunay na dahilan ng kaniyang pagatake ay sadiyang ako ay tutol sa kaniyang mga desisyon. Libo-libo ang sinasabing nasaktan, kung ang kaniyang depinisyon nang pagprotekta ...

Kabataan | Hanggat may bukas, ang kabataan ay mananatiling pag-asa ng bayan.

Paksa: Kabataan Pamagat: Kabataan, pag-asa parin ba ng bayan? Tesis na Pangungusap: Hanggat may bukas, ang kabataan ay mananatiling pag-asa ng bayan. A.      Sistemang iba sa nakasanayan. a.        Pagsasalita sa nakatatanda. b.        Pagtahak sa naiibang landas.  B.       Hindi katumbas ng ating buhay ang ating mga nagawang pagkakamali.  a.        Bisyo b.        Pagbubuntis nang maaga. c.        Pagkabagsak sa eskwela d.        Paggawa ng krimen. C.       Hanggat may pangarap may pag-asa.    Ayon sa opniyon ng ilan sa mga nakatatanda, ang makabagong henerasyon ng kabataan ay walang patutunguhan at ang mga iniisip ay puro pansarili lamang. Ngunit ako, bilang parte ng henerasyong ito, ako’...

Pulitika

  “Pulitika”  - Pedron -   Eleksyon, panibagong pagkakataon Anim na taon, muli bang mababaon? Salitang binitawan, ‘d magampanan. Hangad nami’y pag-asa hindi paasa.   Pulitaka, hindi pangaalipusta. Taon ang lumipas, pangako’y kumupas. Problema noon, problema parin ngayon. Kinakalawang na, paulit-ulit na.   Mahihirap, biktima nang pagpapanggap. Mayayaman, tuloy ang pagpapayaman. Mamamayan, nasa’tin ng mga kamay Piliing mabuti at ‘wag nang sumablay.

Ang Alegorya ng Yungib

Image
  Bahagi ng akdang binasa Pinapaksa sa bahagi na napili sa akdang binasa Kaugnayan ng larawan sa napiling bahagi   Ikaapat na talata sa huli.   Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.  Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may...

Pagsasalin ng WIka

Review of related literature Due to COVID-19, education issues in the Philippines have increased and received new challenges that worsened the current state of the country. With the sudden events brought about by the health crisis, distance learning modes via the internet or TV broadcasts were ordered. Further, a blended learning program was launched in October 2020, which involves online classes, printouts, and lessons broadcast on TV and social platforms. Thus, the new learning pathways rely on students and teachers having access to the internet. This yet brings another issue in the current system. Millions of Filipinos don’t have access to computers and other digital tools at home to make their blended learning worthwhile. Hence, the value of tech in learning affects many students. Parents’ and guardians’ top concerns with this are: ●      Money for mobile load ●      Lack of gadget ●      Poor internet sig...

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pag-aaral ng mga Estudyante

Image
  Talahanayan Bilang 1.0 Interpretasyon: Ayon sa Talahanayan Bilang 1.0, ang pangkalahatan na dami ng mga kalahok ay 90 at ito ay nahahati sa 45 na lalaki at 45 na babae. Talahanayan Bilang 2.0 Interpretasyon: Nakasaad sa Talahanayan Bilang 2.0 ang porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa Disiplina ng Math ay may kabuuang 68.543%, Science na may 69.301%, English na may 67.612% at ito ang pinakamababa sa lahat , Filipino na may 70.346%, Araling Panlipunan na may 71.981%, Edukasyon sa Pagpapakatao na may 74.745%, MAPEH ang pinakamataas na may 77.788%, at TLE na may 73.245%. Talahanayan Bilang 3.0 Interpretasyon: Ipinapakita sa Talahanayan Bilang 3.0 ang mga salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kalahok na kung saan ang may pinakamataas na sanhi ay ang Kakulangan ng mga Impormasyong Nakalahad sa Modyul na may average na 4.58 at ang pinakamababa ay ang Pagkakaroon ng Malubhang Sakit na may average na 1.54 .     Konklusyon ...

"Inang Wika"

Image
Para sa akin ang tinutukoy na ina sa tula ay ang ating sariling wika. Sa aking interpretasyon, pinapakita ng manunulat kung gaano kahalaga ito. Makikita sa aking obra ang isang ina o babae na may bulaklak bilang isang simbolo rin kung gaano kahalaga ang ating wika. Subalit mayroong mga sira ang mukang aking iginuhit, interpretasyon ito kung gaano ito nasisira ng pangdayuhang salita.